Sa kabilang bahagi, maraming leksyon ang matutunan sa
pelikula. Marami man ang mga tauhan at minsan
ay nakakalito na ngunit ang bawat isa ay may mahalagang kuwento na
ipinapahayag sa mga manonood at sa bawat tauhan may mga leksyon na ibinabahagi.
Mahusay ang direktor ng pelikula dahil nagawa niyang mailarawan ang mga
pangyayari sa nakaraan. Ang mga gumanap bilang tauhan sa pelikula ay magaling
at kamangha-mangha dahil makikita sa parte nila na isinasabuhay talaga nila ang
kuwento ng mga ginampanang tauhan kaya nagiging makabagbag damdamin ang
pelikula. Maliwanag na naibahagi ng kuwento kung gaano kahirap kunin ang demokrasya at kung gaano kahirap mamuhay sa mundo ng digmaan. May mga bahagi rin sa pelikula ang
nakakapagbigay inspirasyon lalo na sa mga taong hindi pa rin tuwirang alam kung
gaano sila ka suwerte na nabiyayaan ng demokrasya. Nakakatulong ang pelikulang
Les Misérables sa pagninilay kung gaano dapat pahalagahan ang demokrasya at ang
buhay ng tao.
Sa pelikulang Les Misérables, sana nabawasan ang mga marahas
na bahagi. Gawing mas malinaw ang mga pangyayari dahil hindi maikakaila na may
mga bahaging nakakalito. Kung maari, mas linawin ang mga salitang binibitawan
at gumamit ng mga salitang madaling intindihin. Dapat ring bigyang pansin na
mahalagang mapanood ito ng mga kabataan dahil sa mga leksyong nakaakibat dito
kaya hindi dapat ito nilagyan ng malaswang bahagi, kung maaari binawasan o
kaunti lamang ang ipinakita upang mapanatili pa rin ang ipinapahayag ng
kuwento. Nakakatulong at nakakapagbigay
leksyon ang pelikula hindi lang sa nakakatanda, pati na rin sa mga kabataan
ngunit may mga bahaging masyadong marahas na naging dahilan kung bakit hindi
ito angkop sa mga inosenteng kaisipan ng mga kabataan. Ang pelikula ay maganda
at makahulugan. Kaya sana mas pinalawak pa ang ipinapahayag ng kuwento at ng mga
tauhan nito.
Makahulugan ang pelikulang Les Misérables ngunit kung manonood ng pelikula, dapat malawak at bukas ang kaisipan ng manonood sa mga pangyayari. Hindi ito angkop sa mga inosenteng isip at mga kabataan maliban kung may pahintulot ng nakakatanda na panuorin ang pelikula. May ibang parte sa pelikula na nagpapakita ng pag-ibig at pag-asa kung saan nagpapatibay ito ng samahan sa kuwento.Mga simbolo ng paninindigan ng isang tauhan sa pelikula na natamo niya ang kaniyang layunin ng pagmamahal at habag. Bilang mga mag-aaral, nakita namin na nakakatulong ang pelikula at nakakapagbigay unawa ito sa mga bagay na hindi pa namin nararanasan o nakikita.
